It was a memorable day not only because I got engaged on the day of my birthday, it was also the day hubby was confined after proposing.

A snippet from our wedding site:

his point of view:
After a few years of being boyfriend and girlfriend, napapagusapan din namin yung marriage. One time in 2002, naisip ko sa sarili ko na ito na ang gusto kong makasama for the rest of my life. Wala na naman akong gustong gawin sa buhay ko and bakit ko pa patatagalin. So umikot ako sa mga malls at naghahanap ng singsing. Ang hirap pala maghanap kasi either masyadong mahal o pangit naman. Nakita ko din yung gusto kong style sa Glorietta. After kong bilin yung singsing, nagisip ako na pano ko sya masu-surprise. Bumili na lang ako ng jewelry box na medyo di maganda. So pumunta ako sa kanila ng weekend tapos binigay ko yung jewelry box. Nakita nya tapos yung mukha nya eh parang “di naman maganda ‘to” hehehehe. Tapos sabi ko, “binili ko yan para paglagyan mo nito”. Tapos inabot ko yung singsing. Tawa sya ng tawa at that time tapos maya maya umiiyak na. Sabi ko “Will you be my wife?”. Iyak pa rin ng iyak ang bruha tapos sinasabayan ng tawa. Ewan ko, weird. Ang tagal akong sagutin, siguro mga 10 mins. After a while, tinanong ko, “Ahh anong answer mo?”. Sabi nya “yes”.

her point of view:
It was my birthday and so I heard mass that morning. He followed and met me at the church and went home. When we got home, he gave me my gift, so romantic <*sarcastic tone*>. it was a big plastic bag of Rustan’s with the gift and my catalogues (yung mga pillow catalogues). I opened my gift and to my surprise, hehehe. kala nyo yun na? hindi, it was a jewelry box. parang antique looking. i liked it very much for i like antiques. tapos sinisipat sipat ko. kasi yung velvet color sa loob is blue. my fave color is red. so sabi ko, mas maganda kung red yung loob. hehehe, nilait pa no? anyway, hamey looked at me and told me: “kaya yan ang binigay ko sa yo para may paglagyan ka nito…” (sabay bigay sa kin ng small box!) syempre nagulat ako!!! mix emotions na ko. tapos yun, umiyak at tumawa lang ako ng tumawa. then i motioned him to put the engagement rings in my finger. sabi nya sa kin nung pinagmamasdan ko yung ring: “D mo pa ko sinasagot…” e suot ko na e, aangal pa ba ko…