Sunday, November 05, 2006

birthing kwento: this is it!

October 5, Thursday

LMP: 41 weeks and 4 days
First Ultrasound: 39 weeks and 4 days

Umaga pa lang atat ng pumunta si hamey sa hospital. wow ha... dami ko pang ginagawa. Tinatapos ko pa yung ibang work ko and realized na ang dami kong nakalimutang instructions. So may mga last minute instructions pa ko sa bahay and naligo muna ko since alam ko na matagal-tagal din akong hindi makakaligo. *grins* Naiinis na si hamey kasi pass 4pm na (OB Check-up muna).

Pagdating sa clinic ni dra sa Asian, wala sya and instructed us na dumiretso na sa Genesis. Would like to talk to her muna sana e. Parang nagkaka 2nd thought ako sa pagpapa induce.
Pagdating sa Genesis, kinabitan muna ako ng monitor para sa heart rate ni baby and sa contractions ko. Wala pa ding change, still at 2cm. Was attached to an IV para ma-administer yung pang induce. Nung first try ng mga nurse, unsuccessful sila and pumutok ang ugat ko... sakit ha pero I didn't get mad since may history na talaga akong nahihirapan ang mga nurse to look for a good vein yun nga lang, first time na pumutok ang vein ko. The immediately massage naman my hand and placed a hot compress para d gaanong mamaga. Chika pa din ako sa mga nurse. A doctor did the second try sa right hand ko. Successful sya pero unconfy yung position nung butterfly.

If I remember it right,itwas around 4:30 in theafternoon already when I had my IV. At around 7PM, my OB checked on me. Since I was still 2cm that time, she let me have dinner pa... light dinner. Wipeee!!! I thanked her kasi sa iba bawal ng kumain. *Grins* Sabi ko nga k hamey, gano kaya ka light ang dinner ko? hehe. Sorry, I forgot what I got... ahmm I think there was a rice, chopseuy, another viand which I forgot. I remember that I got rambutan for dessert. Ayaw ko kasi nun e... request pa nga sana kong palitan e... wahahaha!!! I gave it to the nurse pero not sure if kinuha nya. Sayang yun ha, binayaran ko na rin yun.

Walang ibang manganganak that time. Just me. Corny nga e... I told hamey na sana may ibang manganak para may entertainment naman kami... ANG SAMA! Wala pa kasing changes sa kin. Pinilit ko na ngang dun na sa room matulog si hamey e, sayang din kasi umaandar na metro namin sa hospital wala namang guagamit pa. I have my cellphone naman in case kailangan ko syang ma contact. I just asked for his ipod para naman ma entertain ko sarili ko with the music and with solitaryo. Mahirap matulog sa hospital bed ha and hindi pa ko makagalaw masyado since may monitors na nakakabit sa kin. It's actually possible to shift position kaso ang anak ko ayaw maki cooperate! O well...

October 6, Friday

LMP: 41 weeks and 5 days
First Ultrasound: 39 weeks and 5 days

I think it was around 7AM when my OB came. 3cm pa lang ako this time. Kainip no? Well, the good news e pinakain nya ko ng light breakfast. Hay... heaven sent talaga si dra... *smile*

Dumating ang breakfast... super light talaga... hehehe... 2 loaves of bread, 1 scrambled egg, coffee (na as if pwede kong inumin), butter and jams. I remembered na medyo masakit na contractions ko nito. Remember the last time I had my non stress test, at 70+ d pa painful para sa kin. at 50+, it was already painful! Tinatimingan ni hamey ang pagsubo sa kin ng food. Pag tumataas na pause muna, hehehe. Pero wala pa pala iyon compared nung nag 4cm na ko!

By the way, according dun sa resident OB, they consider it active labor pag nag 4cm ng open ang cervix. So at this point, wala pa ko sa active labor.

9AM

Full support ang aking family. My mom, my panganay and bunso na sisters (na parehong nag absent na that day) was also with us sa Genesis. My ninong was also there pero he opt to stay sa room at kainin ang pagkaing dala nila! HAHAHA!!! Ang gulo namin sa Genesis, palibhasa wala ngang ibang taong naandun, walang nagrereklamo sa amin! Pero nabuking kami when a nurse (which I actually dislike) checked my IV... One companion lang talaga ang pwede dun sa loob... 4 na silang naandon e. *grins* Lokohan nga, sige, pag sinabing may kailangang umalis, ako na lang ang aalis... HAHAHAHA!!! They were even there when an OB IEd me and hindi sila sinita even nung kasama nyang nurse. Hmp... Eventually umalis na rin ang aking mga bisita kasi padating naman ang inay ko... hehe. 5 na sila dun if ever, mwihihihi!

Patawa tong mga ito... tanungin ba ko kung masakit ba daw. Sabi ko (in my very sarcastic tone), Hinde! Ang sarap sarap nga ng feeling e! HAHAHA!!!

11AM

My inay arrived from the province. Ang dami kong suporta! Syempre tinanong nanaman ako kung masakit. hihihi! Same answer! Gusto na talaga akong ipa-CS nun kasi bakit ang tagal tagal daw. D nya kasi alam na may cord coil ako e and wala pa din kaming pinagsasabihan. Except our family friend na nag text pala sa Ate ko (yung panganay kong kapatid na kapareho ko ng OB) to let her know my condition. Hindi rin nya sinabi sa mga oldies and sa amin na alam nya na pala. Kaya pala she called our OB.

12Noon

POTAH! D na ko makapagsalita... d na nga ako makadilat para makapag relax... Every minute or less pa nga sumasakit ang contractions ko! Imagine... at 18 super sakit na nya! Que Horror! Sabi ni hamey he asked me daw if I want to have the epidural na. Hindi ko sya nasagot or ang sagot ko daw e... maya maya. Atapang atao a!

Almost 1PM

HINDI KO NA KAYA!!!! I asked hamey na to call the nurse para malagyan na ko ng epidural. By this time, medyo malakas na boses ko pero d ako sumisigaw. When my panganay na sister went down to check, ang sabi daw ng mga nurse sa station nung kinamusta nya ko e, "ayun po, sumisigaw na!" HAHAHA!!! palibhasa mag-isa lang ako dun, ako lang ang bumabasag ng katahimikan sa room. (naks, lalim!) D agad makapasok si Ate Sen since hamey's with me (bawal nga daw more than one companion diba!) That time ina-administer na yung
epidural. Syempre d ko alam how big the needle was and I know si hamey hindi din comfy with those kaya nung medyo nag take effect na ang anesthesia, ang nasabi ko agad k hamey: "Ok ka lang?" hehehe. Sabi nga ng anesthesiologist, "kanina d ka makausap ngayon pa smile smile ka pa ha."

According to my OB, it usually takes about 1cm/hour ang pag open ng cervix. So ang tantsa nila was around 7 pa ko manganganak. BUT NO!!! At about 3PM nagulat sila when they checked on me, I was 8CM open na. They called my doctor and they were instructed to transfer us to the birthing room, on the way na daw sya. I was texting friends na about this.

Around 3:30PM (Cheer leading competition at ESPN) '

My OB arrived and was preparing herself for the delivery. She was telling me and her stuff that they're gonna burst my water bag when suddenly, it burted on is own. hehe. I don't really know if I know how to push but guess what, I guess I am!

3:56PM

Vera's out! Hamey had the chance to cut the cord. Hay, ang gaan gaan ng feeling kahit pa the other resident OB was on my tummy the whole time. Nakadagan sya I think because of the cord coil, baka bumalik si Vera pagkaka push ko. Grabe, ang bagal pala ng 1-10 count sa pushing!

After all these, they instructed me to rest. Nakakapagod but I was not able to sleep for two hours na nasa birthing room ako. I was excited to hold Vera kasi. Just saw her pero d ko sya agad nahawakan.

After 2 agonizing hours, I was wheeled to our room. Kumain lang (ata, d ko na matandaan) ako ng dinner then I asked if they can wheel me to Huggery. I was really firm na magpapa breastfeed ako. Nung una ayaw pa kong payagan ng mga nurses kasi daw kakapanganak ko pa lang and duda sila sa strength ko. Sabi ko, normal delivery naman and pwede na kong magpa feed.

It was successful! According to the nurse there, magaling daw mag latch si Vera. Wow! That's good news for me.

We stayed in the hospital until Sunday. Thank God everything went according to plan.
 

the joys (and pains) of being a woman | Desenvolvido por EMPORIUM DIGITAL